Timeline ng Baon ko. :)
- wala akong alam tungkol sa pera nung bata ako basta masaya ako nabubuhay
- una akong binigyan ng baon nung grade 3. 150 pesos haha. ang laki. pero di na ako nagkaroon ng allowance after nun kasi sinumbong ako ng adviser namin chichirya lang kinanin ko hindi naglunch.
- di na ako nakapagexplain. malay ko ba first time ko humawak ng pera tapos di ko namalayan na kulang na pala siya panglunch. di ko rin alam na pwede umutang. pati ubos na yung burger kaya wala na tinapay.
- grade 6 na ulit. 100 pesos isang araw. ang saya!
- 1st year naging 20 pesos. haha. di naniniwala mga kaklase ko kasi pano daw ako mabubuhay nun. malapit lang kasi bahay namin sa school tapos kumpleto na ako ng baon kaya pampamasahe nalang na balikan.
- 2nd-3rd year 50 pesos. kasi wala na akong snacks na dala. pero kulang pa din. ginto kaya paninda sa school.
- itong 4th year 50 pa din ata at di pa rin sila makapaniwala na ganyan baon ko kasi nakakabili ako ng madami tuwing MTC namin. (P.E day) kaya ako nakakabili ng madami kasi nagiipon yun lang yon at sa huli wala din akong naiipon. XD