Pag ako gumanda…

masakit mapaasa pero mas masakit kung gusto mo siya, gusto ka din niya pero hindi niyo alam mismo sa sarili niyo na mahal niyo ang isa’t isa.

SG Meeting.

ang saya lang namin kanina. haha. parang ambilis nga ng oras eh.

  • 12pm antayan sa plaza pero umalis ako sa bahay 10:30. :D
  • nakichika sa mga teachers. ang tagal ng orientation sa first year.
  • sinamahan ko si Sir. Aid kanina magwithdraw at antayin si louela (kaklase ko) sa ministop.
  • nakita ko na mga kasama ko kaya nagbabye na ako kyla sir. at louela. iba kasi way nila. :)
  • huling dumating si Wilson (siya lang yung pumuntang kaschoolmate namin na kasama sa SG.) hinatid kami ng papa niya sa bahay nila angelica (kaklase ko rin).
  • grabe papunta palang sa bahay nila ange, laughtrip na. mas lalo naman nung kumpleto na. kaya kung saan saan napupunta yung usapan namin. onti nga lang ata napagusapan namin tungkol sa SG.
  • kain kain din. fave part. haha. ako ata pinakamaraming nakain kasi wala pa akong breakfast at lunch.
  • pero ang pinakadabest ay yung laughtrip nung pauwi na. haha. grabe, isa to sa mga pinakamasayang day ngayong month. :D

Hindi porket inaasar ka ng isang lalaki, gusto ka na niya.

batangisip:

minsan kaya ka niya inaasar kasi inagaw mo yung crush niya. :D

A strong denial is a strong confirmation.

batangisip:

kaya ipagpatuloy mo lang ang pagdeny na di mo ko crush. :D

Mga Pangarap Kong Non’sense

  • lahat ng damit, bag at sapatos na gusto ko, makukluha ko.
  • sana hindi na parang hazing ang pagkakaroon ng regla.
  • maging valedictorian. (tamad naman magaral)
  • may magyaya sakin ng gabi na mamasyal kahit nakapajamas lang kami.
  • magkaroon ng alien friend.
  • wala na sanang war.
  • sana matutunan ko ng lahat ng instruments.
  • sana matuto ako kumanta. (except sa lupang hinirang at happy birthday.)
  • sana matuto ako sumayaw ng maayos.
  • sana mapigilan ko na ang sarili ko sarilinin ang problema.
  • sana walang bubong kwarto ko para nakikita ko yung langit.
  • sana maaga na ako magising lagi.
  • sana tumino na ang buhok ko.
  • sana magkaroon na ako ng driver’s license.

My hair

thatfunnyblog:

At School when I’m with friends:

At home, alone before I go to sleep:

http://thatfunnyblog.tumblr.com/